Setyembre 11, 2021 | LINGGO NG KABATAAN

Kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, ang Lokal na Pamahalaan kasama ang Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan at KKDAT ay nagsagawa ng KKDAT BOAT Made of Plastic Bottles Contest. Ito ay nilahukan ng mga kabataan mula sa KKDAT Chapter ng iba’t-ibang barangay kung saan ang bawat kalahok ay gumawa ng bangka gamit ang mga plastic bottles. Dito ay napatunayan nila na ang kabataang Realeño ay hindi lamang displinado at produktibo kundi sila rin ay mapamaraan at malikhain.
Ang programang ito ay pinangunahan ni PPSK Jenra D. Asis-Poblete kasama ang mg SK Chairpersons ng iba’t-ibang barangay, PSSg Alfie S Acurin-KKDAT Adviser at KKDAT President Heidi Gem Delica. Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino, Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro, Kons. Lea A. Calleja, Kons. Julie Ann O. Macasaet at Kons. Amanda Sharon D. Domingo. Dumalo rin sina G. Doyle Joel M. Diestro, Engineering Aide Raffy Paquita at Ms. Elaine Mijares-Aveno bilang mga hurado.
Ang mga nagwagi:
Poblacion 1- 1st Place
Barangay Malapad- 2nd Place
Barangay Ungos- 3rd Place
Congratulations sa mga nanalo at sa lahat ng mga kabataang naging kaisa at kalahok sa patimpalak na ito!
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 3 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 6 0 3
Users Today : 23
Users Yesterday : 55
Users This Month : 1249
Users This Year : 12602
Total Users : 12603
Views Today : 65
Views Yesterday : 74

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: