Sinimulan ang isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng tradisyonal na pagtataas ng bandila sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAgO).
Nagbigay ng ulat at update Livestock Inspector Lemuel O. Azogue kaugnay sa lagay ng ASF sa ating bayan. Dito ibinahagi niya ang mga naging aksyon at hakbangin na ginawa para matugunan ito at kung ano ang gagawing tulong para sa mga kababayan natin na napektohan nito. Gayundin ang napagkasunduan sa naging pagpupulong kasma mga hog rasisers noong nakaraang Agosto 31, 2021.
Nagbigay din ng ilang balita ang ating Municipal Administrator Filomena M. Portales sa mga activities noong nakaraang linggo tulad ng Consultation Meeting regarding POPS Caravan gayundin ang magiging pagpupulong para sa final briefing at pagtalakay sa ICS ng POPS Caravan, Consultation Meeting with Real WInds at Public Consultation sa Municipal Ordinance para iba-ibang quarantine classifications.
Nag-ulat din ang ating Halig Punog Bayang Ronald P. Isidro sa ilang activities ng Sangguniang Bayan. Ang ilan dito ay Public Consultation sa Municipal Ordinance para iba-ibang quarantine classifications, Blessing of OSCA Building at KKDAT Boat Made of Plastic Bottles Contest. Humingi din siya ng panalangin para sa paggaling mga kasamahan natin na may karamdaman.
Nag-update din ang ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino sa mga activities ng Lokal na Pamahalaan ilan dito ay ang Blessing of OSCA Building, Meeting with the Assistant Secretary of Department of Agriculture, Awarding of Boya fram Fraternal Order of Eagles at KKDAT Boat Made of Plastic Bottles Contest. UP Land Grant Updates on issue of Barangay Maunlad, Real Wind Consultation, Public Hearing on Protocol for Infectious Disease, Programs for TUPAD at Ornamental Trainings.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines