Setyembre 13, 2021 | REAL WIND ENERGY PROJECT

Nagsagawa ng isang public consultation kasama ang mga kinatawan ng Real Wind Energy at Apercu Consultant Inc. na sina Project Development Consultant Mike Pillas, Project Surveyor Carlo Magno at Project Coordinator Mary Chie T. Eduba.
Dito ay ipinaliwanag ng nasabing grupo ang kanilang proyekto para sa Real Wind Energy Project ang proyektong 250MW Real Wind Energy Project. Ayon sa kanila, ang panukalang 250MW Real Wind Energy Project ay magtatayo ng 250 megawatt na wind farm sa Real Quezon. Ang nasabing proyekto ay may dalawang phases:
• Phase 1 – 45MW (Kiloloron, Capalong, Tagumpay)
• Phase 2 – 205MW (Tagumpay, Tignoan, Tanuan, Malapad, Lubayat, Llavac, Bagong Silang, Maragondon)
Tinatayang 58 na wind turbine generators ang itatayo para sa proyekto sa loob ng 5,670 na ektaryang lupa. Ang proyekto ay pagmamay-ari ng Real Wind Energy, Inc. Joint Venture ng Maraj Energy Development at Modern Energy Management Pte. Ltd.
Ayon pa sa kanila, ang construction, commission at grid connection para sa Phase 1 ay inaasahang mag-uumpisa sa 2023, samantalang ang Phase 2 naman ay sa 2024.
Binanggit din ng grupo na nagkaroon ng Environmental Impact Assessment (EIA) para dito. Isang proseso kung saan masusing pinag-aralan ang posibleng maging epekto ng proyekto sa kapaligiran kabilang ang mga tao. Ito at ang iba pang mga regulasyon ay kailangang masunod upang makakuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) na magmumula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 4 9 3 1 7
Users Today : 91
Users Yesterday : 165
Users This Month : 1568
Users This Year : 23588
Total Users : 49317
Views Today : 204
Views Yesterday : 253

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: