Skip to main content

Setyembre 14, 2021 | Ordinasyon ng Pagkapari ni Reb. Ronnie Parat, FLP at Ordinasyon ng Pagkadiakono ni Sem. Benedicto Santiago

“Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus” na ginanap sa Parokya ni San Rafael Arkanghel, Real, Quezon na pinangunahan ni Lubhang Kagalang-galang Bernardino C. Cortez,DD, Obispo ng Prelatura ng Infanta kasama ang Kaparian at mga Madre mula sa Franciscans of Our Lady of the Poor upang ordinahan sa Pagkapari si Reb. Ronnie Parat, FLP at sa Pagkadiakono si Sem. Benedicto Santiago.
Ang ordinasyon na ito ay mahalagang patunay na ang Diyos ay patuloy na humihirang, para sa kawan ng simbahan ay mayroong mangalaga sa kanyang sambayanan, na kahit sa panahon ng pandemya ay hindi tumitigil ang ating Diyos sa pagkalinga sa atin.
Sa huli ay naghandog ng presentasyon ang St. Mark Cathedral at nagpasalamat ang dalawang bagong naordinahan sa biyayang ipinaglaloob sa kanila ng bokasyon ng pagkapari at pagkadiakono at sa kanilang mga kasamahang pari at madre mula sa Prelatura ng Infanta at sa Franciscans of Our Lady of the Poor.
Ang pagdiriwang ay personal na nasaksihan ng ating Punong Bayan Diana Abigail Diestro Aquino,
Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro, Kons. Noime L. Azcarraga, Kons. Julie Ann O. Macasaet, at Kons. Lea A. Calleja.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »

Latest Articles

Official Website of Municipality of Real
error: