Setyembre 14, 2021 | PAMPUBLIKONG PAGDINIG

Nagpatawag ng isang pampublikong pagdinig ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Kons. Amanda Sharon D. Domingo na siyang may akda ng tinalakay na ordinansa na “KAUTUSANG BAYANG NAGTATAKDA NG PATAKARAN AT ALITUNTUNIN SA PAGPAPATUPAD NG COMMUNITY QUARANTINE PROTOCOLS O ANUMANG KAHALINTULAD NA PANGYAYARI NA MAY MATINDING BANTA SA PANGKALAHATANG KALUSUGAN NG PUBLIKO SA BAYAN NG REAL AT PAGPAPATAW NG KARAMPATANG PARUSA SA SINUMANG LALABAG DITO”, gayundin ang Implementing Rules and Regulations nito. Ang ordinansang ito ay inaatas ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino upang mailatag ang mga guidelines sa lahat ng uri ng community quarantine classifications at dagling makatugon sa pabago-bagong klasipikasyon na ibinababa ng National IATF hindi lamang ukol sa COVID-19 kundi sakop ang anumang nakakahawang sakit na maaaring magdulot ng matinding banta sa pangkalahatang kalusugan ng mga Realeño at iba pang mamamayan.
Ang gawaing ito ay dinaluhan ng Sangguniang Bayan members at staff sa pangunguna ng ating Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro, mga nagmamay-ari ng resorts at establisimyento, mga Barangay Offcials, kinatawan ng BFP, NGOs at CSOs.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 5 7 8
Users Today : 53
Users Yesterday : 74
Users This Month : 1224
Users This Year : 12577
Total Users : 12578
Views Today : 72
Views Yesterday : 182

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: