Ngayong araw ay sa Barangay Tagumpay naman nagtungo ang kawani ng Real Wind Energy at Apercu Consultant Inc para sa isang public consultation kasama sina Project Development Consultant Mike Pillas, Project Surveyor Carlo Magno at Project Coordinator Mary Chie T. Eduba para sa panukalang proyektong 250MW Real Wind Energy Project
Ang panukalang proyekto ay may dalawang phases na kung saan kabilang ang Barangay Tagumpay sa pagtatayuan nila:
• Phase 1 – 45MW (Kiloloron, Capalong, Tagumpay)
• Phase 2 – 205MW (Tagumpay, Tignoan, Tanuan, Malapad, Lubayat, Llavac, Bagong Silang, Maragondon)
Ayon pa sa kanila, ang construction, commission at grid connection para sa Phase 1 ay inaasahang mag-uumpisa sa 2023, samantalang ang Phase 2 naman ay sa 2024.
Binanggit ng grupo na ito ay dumaan sa proseso at masusing pinag-aralan ang posibleng maging epekto sa kapaligiran kabilang ang mga tao at sumusunod sa mga regulasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines