Setyembre 15, 2021 | REAL WIND ENERGY PROJECT

Ngayong araw ay sa pamahalaang bayan ng Real nagtungo ang mga kinatawan ng Real Wind Energy at Apercu Consultant Inc para sa isang public consultation kasama ang President Real Wind Energy Mark Alburo, Project Development Consultant Mike Pillas, Project Surveyor Carlo Magno at Project Coordinator Mary Chie T. Eduba, para sa panukalang proyektong 250MW Real Wind Energy Project
Ang panukalang proyekto ay may dalawang phases:
• Phase 1 – 45MW (Kiloloron, Capalong, Tagumpay)
• Phase 2 – 205MW (Tagumpay, Tignoan, Tanuan, Malapad, Lubayat, Llavac, Bagong Silang, Maragondon)
Isa din sa napag usapang ang posibleng trabaho para sa mga skilled worker pag na simulan na ang nasabing proyekto at inaasahang mag-uumpisa ang nasabing proyekto sa taon 2023 ang phase 1, at samantalang ang Phase 2 naman ay sa taon 2024. Binanggit ng grupo na ito ay dumaan sa proseso at masusing pinag-aralan ang posibleng maging epekto sa kapaligiran kabilang ang mga tao at sumusunod sa mga regulasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Dinaluhan ang nasabing public consultation na sina Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro, Kons. Raffy Morfe, Kons. Amanda Sharon D. Domingo, Kons. Noime L. Azcarraga, Kons. Lea A. Calleja, Kons. Jannette S. Ruzol, EnP Rommel A. Poblete-MPDC, MENRO Bryan E. Potestades, PESO Manager Ildefonso A. Cleofas, Jr., SB Secretary Carlo Luis A. Calleja, Building Inspector/Engr. Wincel Harvard Obenita, at si Municipal Administrator Filomena M. Portales.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 0 1 7
Users Today : 16
Users Yesterday : 54
Users This Month : 663
Users This Year : 12016
Total Users : 12017
Views Today : 48
Views Yesterday : 116

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: