Setyembre 16, 2021 | Skills Training on Ornamental Plants (Production, Management and Marketing) (Day 2)

Sa pagpapatuloy ng Enhancement Training ng ating mga kababayan mula sa samahang KALIPI, ang labing-apat (14) na participants kahapon ay naging dalawampu’t-anim (26). Sila ay mula sa mga barangay ng Maunlad, Bagong Silang, Llavac, Maragondon at Tanauan.
Sila ay sinamahan pa rin ng mga kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist na sina OPA – Gino Marlowe C. Tiongco, Administrative Aide I – Jake F. Glory at Agricultural Technologist Jefferson A. Bacasbas, at Resource Person na si ACC II – OPA Roberto T. Atrigeneo Jr.
Sa pamamagitan ng video presentation, itinuro ni Business Councilor, DTI – Quezon Lawrence Joseph Velasco ang rewards at risks sa pagnenegosyo, mga tips sa ornamental plants business, at business model canvass. Si G. Rodolfo Dean ng Girasoles Farm ay nagbahagirin sa pamamaging ng video presentation patungkol naman sa ornamental landscaping.
Nagkaroon ng community organizing sa kapulungan at napagdesisyunan na ang kanilang samahan ay tatawaging SIBOL – Sustainable Integrated Business on Ornamental Livelihood in Real. Sa pamamagitan ng commitment signing, ang bawat isa ay lumagda sa Kasunduan ng Pagsuporta at Pagkakaisa, at dito ay
kasama nilang lumagda ang ating Punong Bayan Diana Abigail Diestro-Aquino na lubos na sumusuporta sa gawaing ito at iba pang mga programang pangkabuhayan para sa ating mga kababayan.
Ang nasabing pagsasanay ng ating mga kababayan para sa ikauunlad ng kanilang pangkabuhayan ay naging matagumpay sa pamamagitan ng aktibong ugnayan ng Office of the Provincial Agriculturist, Tourism Section sa pangunguna ni Tourism Operations Officer I Benirose Marie V. Talabucon, kasama si Community Affairs Assistant II Edna Oñate, ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Leo James Portales kasama si Sr. Lea Dela Torre at ang Municipal Agriculture Office na kinatawanan ni Agriculturist Technologist Lylyn Martirez.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 3 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 5 9 8
Users Today : 18
Users Yesterday : 55
Users This Month : 1244
Users This Year : 12597
Total Users : 12598
Views Today : 48
Views Yesterday : 74

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: