Ngayong araw ay nagkaroon ng isang orientation para sa mga magulang patungkol sa ONLINE SEXUAL EXPLOITATION OF CHILDREN (#ENDOSEC). Kung saan ang mga magulang ay pinaalalahanan para sa mga hindi maganda at hindi kanais-nais na gawain, panoorin at iba pa na laganap sa panahon ngayon na ang nabibiktima ay ang mga kabataan lalung-lalo na ang mga kabataang babae.
Dumalo dito si Municipal Administrator Filomena M. Portales bilang isa sa Resource Person at bilang kinatawan na rin ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino. Tinalakay naman ni Patrol Woman Joyce Ann B De Asis-Assistant WCPD Investigator/FJGAD PNCO ang RA7610 o Child Abuse Law.
Nagbigay din ng suporta at mensahe sina Kons. Amanda Sharon “ Adie” Diestro-Domingo, Community Affairs Coordinator Amelie A. Peñamante, Punong Barangay Ariel E. Montes, PB Beatriz L. Mapaye ng Capalong, Kagawad Adorina E. Roz-Chairperson on Special Events at ang kinatawan ng tanggapan ng MSWD na si Sr. Ofelia Dela Torre.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines