Skip to main content

Setyembre 20, 2021 | Blessing ang Turnover of Evacuation Center

Kaalinsabay ng Launching of Peace and Order and Public Safety (POPS) Caravan, ipinasa ng DILG sa pamamagitan ni MLGOO Ann Maureen D. Gumboc ang susi bilang seremonya ng tuluyang pag-turnover ng Evacuation Center sa Barangay Cawayan na pinasinayaan sa pamamagitan ng pagbabasbas ni Fr. Sunny Quejada.
Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino, Atty. Joanna Suarez-KALIPI Quezon President at kinatawan ni Gov. Danilo E. Suarez. Dumalo din sina Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro, Kons. Amanda Sharon “ Adie” Diestro-Domingo, Kons. Janette S. Ruzol, PB Edgardo G. Azcarraga, Municipal Administrator Filomena M. Portales, OIC-MDRRMO Ricky A. Poblete, MSWDO Leo James M. Portales at iba pang opisyal ng pamahalaang bayan.
Ang pondo ng building ay galing sa Assistance to Municipalities Program ng DILG at ang lupang kinatitirikan nito ay personal na kaloob ng ating yumaong dating Punong Bayan/Halig Punong Bayan Joel Amando A. Diestro. Isa sa mga naging handog niya sa Bayan ng Real para sa mga kababayang Realeño.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Latest Articles

Official Website of Municipality of Real
error: