Setyembre 22-23, 2021 | Collapsed Structure Training

Isinagawa ang dalawang (2) araw na pagsasanay sa Collapsed Structure Search and Rescue Training. Ito ay kaugnay ng pagsasagawa ng Peace and Order and Public Safety (POPS) Caravan na programang inilatag sa inisyatiba ng ating Punong Bayan Diana Abigail Diestro-Aquino at pinangasiwaan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni MDRRMO-OIC Ricky A. Poblete.
Layunin ng pagsasanay na ito na mapaigting ang kaalaman at kakayahan ng ating mga rescuers at rescue volunteers upang maging handa anumang sakuna na maaring dumating.
Dito ay nakasama ang mga tagapagsanay na sina PEMS Venerand Vizara, SGT Ricky Masiddo, SGT Jayson Galima, PFC Macario A Auganga, PCPL Gerald Malinbin, PAT Al G Hamac at Mctel Rey E Auganga at kanilang tinalakay ang mga sumusunod:
Operational Safety
1. Tools and Equipment/Accessories (TEAs)
2. Structural Triage and the (INSARAG) Marketing System
3. Search and Locating Techniques
4. Rescue Strategies and Techniques
Nagkaroon din ng actual training at demonstration tungkol sa
1. OPR One Person Rescue
2. Ascending – Descending
3. Rope Transfer
4. Basic Rappel
5. Victim Packaging
6. Equipment Orientation
Sa pangalawang araw ay isinagawa ang actual training at demonstration sa
1. Vertical – Lowering/Raising
2. Slope Traverse
3. Collapsed Structure Demonstration (CSSR)
Naging panauhin at nagbigay ng mensahe sina Halig Punong Bayan Ronald Isidro, Municipal Administrator Filomena M. Portales at Community Affairs Coordinator Amelie A. Peñamante.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 3 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 1 4 5
Users Today : 8
Users Yesterday : 65
Users This Month : 791
Users This Year : 12144
Total Users : 12145
Views Today : 9
Views Yesterday : 106

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: