Nagsagawa ng orientation patungkol sa Fire Safety Awareness kasama ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection na sina FO1 Angelica G Sandoval, SFO1 Sherwin G Cañazares, FO2 Mitchelle Joseph P Reyes, FO3 Cadel R. Torres at ang Acting Municipal Fire Marshal na si SF04 Richard C Villa.
Dito ay ipinaliwanag nila ang dapat gawin at tamang paggamit ng mga bagay para sa pag-apula o pagpatay ng apoy sa oras ng kagipitan kung magkakasunog, katulad n ng fire extinguisher – kung paano ang tamang pag hawak pag-alis ng pin at tamang paraan ng pag-spray sa lugar na may apoy.
Ipinakita din nila sa pamamagitan ng aktuwal na demonstrasyon kung paano ang tamang pagpatay ng nasusunog na LPG (liquefied petroleum gas) para maiwasan ang pag sabog nito.
Ang nasabing orientation program ay dinaluhan ng kinatawan ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino na si Konsehala Amanda Sharon “ Adie” Diestro-Domingo.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines