
Setyembre 24-26, 2021 | Crisis Communication and Resiliency Development Training
Kaugnay ng pagdiriwang ng Peace and Order and Public Safety Caravan, isinagawa ang tatlong (3) araw na pagsasanay ng kapulisan sa Crisis Communication and Resilience Development Training na programang inilatag sa inisyatiba ng ating Punong Bayan Diana Abigail Diestro-Aquino at pinangasiwaan ng Real Municipal Police Station sa pangunguna ni PCPT Jernie Junne M Merka-OIC/Real MPS.
Layunin ng pagsasanay na ito na mapaigting pa ang kaalaman ng ating mga kapulisan at ito ay nilahukan ng ibang mga pulis mula sa Gen. Nakar, Infanta at iba pang karatig-bayan sa Quezon sa pamamagitan ng virtual na pagdalo.
Naging Tagapagsalita si Prof. Cynthia C Dionco, MPSA, cMAC Chief Registrar, NPC, PLT Antonette S Aliño at Prof. Cecilia D. Noble, Ph.D. via Online at kanilang tinalakay ang mga sumusunod:
1. Stress Anger Management Seminar
2. Risk and Crisis Communication and Resilience Development
3. Human Relations
Sa pangalawang araw ay nakasama rin via online sina Prof. Elizalde Javier Duran, Bro. Jose Winston Dichupa, Bro. Victor Haway at Prof. Cynthia C Dionco MPSA, cMAC Chief Registrar, NPC at kanilang tinalakay ang mga sumunod:
1. Is Money Powerful? Right Attitude towards Money
2. Grace Under Pressure: Surviving Policing Work
3. Getting along with the new normal ICT: Gaining the Confidence in the ICT platform
4. Communication Dynamics Most Common Errors in Written Communication and Public Speaking
Sa pangatlong araw ay nakasama pa rin si Prof. Cynthia C Dionco, MPSA, cMAC Chief Registrar, NPC at tinalakay ang mga sumusunod:
1. Church Meetings and Preparations of Vlogs
2. 10 Common Communication Mistakes to avoid Blunders and Misunderstanding
Naging panauhin at nagbigay mensahe sina PCPT Jernie Junne M Merka-OIC/Real MPS, PLTCol Noel S Divino-DPDO, PLTCol Sheereann Smile Ubaña, Chief PIDMU, Mayor Bing Diestro-Aquino, Vice Mayor Ronald P. Isidro, Kons. Raffy M. Morfe bilang member, Committee on Human Rights and Peace & Order at Municipal Administrator Filomena M. Portales.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso