Skip to main content

Setyembre 29, 2021 | Training for Deputized Fish Warden ( Day 1 )

Kaugnay ng programa ng POPS Caravan, isang pagsasanay ang isinagawa kasama ang mga kinatawan ng BFAR IV-A (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources) na sina Danilo B. Larita Jr. Fishing Regulations Officer I, Ruben B. Buemia Jr. at Jojit A. Garcia-Fishery Protection and Law Enforcement Group katuwang ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Evangeline F. Paril.
Ito ay para sa mga kababayan nating mangingisda na kinabibilangan ng mga sumusunod na samahan: SAMAPA – Samahan ng Maliliit na Mangingisda ng Pandan RFC – Real Fishers for Christ ALMA SILANGAN MASKI – Mangingisda sa Kiloloron SAMAMARE – Samahan ng Maliliit na Mangingisda ng Real BUFA – Barangay Ungos Fisherfolks Association SAMANGCA – Samahang Mangingisda ng Capalong SAMABAMA – Samahang Mangingisda ng Barangay Malapad Agus Fishing Association at guardiya ng fish sanctuary.
Sila ay sinasanay upang maging tagapagpatupad ng batas pandagat upang mapangalagaan ang ating karagatan. Itinuro ni G. Danilo B. Larita Jr. ang mga iba’t ibang pamamamaraan at mga dapat gawin upang sila’y maging ganap na tagapagpatupad ng batas pandagat (Bantay Dagat) batay sa mga sumusunod na paksang tinalakay:
1. Duties and Responsibilities of Deputized Fish Warden/Examiner
2. Ang Estado at ang Kalikasan
3. Arrest, Search seizure and Detection
4. Criminal Procedure for Environmental Cases
5. Batas Pampangisdaan ng Pilipinas ( RA 8550 as Ammended ng RA 10654)
Naging panauhin at nagbigay ng mensahe ang ating Punong Bayan Diana Abigail Diestro-Aquino, ganoon din sina Vice Mayor Ronald Isidro, Kons. Lea Calleja, Kons. Julie Ann Macasaet, Kons. Noime L. Azcarraga-Chairperson, Committee Agriculture and Fishery, Kons. Adie Domingo, Community Affairs Coordinator Amelie Peñamante at PPSK Jenra A. Poblete.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: