Skip to main content

Setyembre 29, 2021 | TRIKE NOW (BOOK A RIDE NOW)/ TODA ORIENTATION ON ORDINANCE/NEW GUIDELINES

Bilang isa sa mga acitivity ng POPS Caravan ay isinagawa ang Introduction ng TRIKE NOW (BOOK A RIDE NOW) at TODA ORIENTATION ON ORDINANCE/NEW GUIDELINES sa pamamahala ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino sa pangangasiwa ni TRB Secretary Fe P. Coralde.
Tinalakay ni Hon. Noime L. Azcarraga-SB Committee Chairperson on Transportation ang Ordinance 362-21 na may titulong “AN ORDINANCE PRESCRIBING FRANCHISE ON OPERATION OF MOTORIZED TRICYCLE FOR HIRE”, kung saan ipinaliwanag niya ang mga nilalaman at mga batas at alituntunin nito. Ipinaliwanag naman ni Hon. Amanda Sharon D. Domingo ang ang bagong pasang ordinansa na may kinalaman sa mga quarantine classifications na umiiral sa ating bayan na may titulong “KAPASIYAHANG NAGPAPATIBAY SA KAUTUSANG BAYANG NAGTATAKDA NG PATAKARAN AT ALITUNTUNIN SA PAGPAPATUPAD NG COMMUNITY QUARANTINE PROTOCOLS O ANUMANG KAHALINTULAD NA PANGYAYARI NA MAY MATINDING BANTA SA PANGKALAHATANG KALUSUGAN NG PUBLIKO SA BAYAN NG REAL AT PAGPAPATAW NG KARAMPATANG PARUSA SA SINUMANG LALABAG DITO”.
Nagkaroon din ng introduction para sa TrikeNow application si Ms. Ma. Liezel B. Maravilloza kung saan ipinaliwanag niya kung papano ito makakatulong sa mga tricycle driver at mga customer. Ipinaliwanag din niya ang mga benipisyo na makukuha ng mga tricycle driver tulad ng tulong medikal, accident insurance at iba pa. Ang TrikeNow ay isang modernong sistema para sa mga Tricycle group.
Ang programa ay dinaluhan nina Halig Punong Bayan Ronald P. Isidro, Kons. Lea A. Calleja, Kons. Julie Ann O. Macasaet, PPSK Jenra D. Asis-Poblete, Community Affairs Coordinator Amelie Peñamante, pangulo, opisyal at mga miyembro ng RTODA at RTTI.
Namahagi rin ng 200 packs ng bigas sa mga miyembro ng RTODA at RTTI
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: