
Setyembre 3, 2021 | KALIPI REAL WOMEN’S FEDERATION MONTHLY MEETING
Isinagawa ang buwanang pagpupulong ng KALIPI Real Women’s Federation kung saan nag-ulat ang KALIPI Real Women’s Association ng bawat barangay. Naging kabahagi ang HARIBON Foundation at ibinalita ni ni Bb. Arlie Endonila ang tungkol sa Basic Orientation on Environment and Strategic Planning Training at pagkakaroon ng Empowerment on Women’s Skills Training para sa pederasyon ngayong darating na Setyembre 8-10, 2021.
May inihahanda rin ang Lokal na Pamahalaan para sa mga KALIPI associations gaya ng Ornamental trainings, KALIPI Soap Making training at iba pa.
Ipinaabot ni Municipal Administrator/GFPS Focal Person Filomena M. Portales ang magandang balita mula sa ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino na ang Lokal na Pamahalaan ay maglalaan ng karagdagan pondo sa mga proyekto ng KALIPI at ibinalita din niya na maraming proposed projects na mula sa ilang private sectors para sa ating bayan.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO sa pamumuno ni MSWDO Leo James Portales katuwang ang kaniyang mga kasamahan na sina Sis. Ofelia De La Torre-MSWDO Staff/ Focal Person ng KALIPI at Bb. Teresita Esguerra-MSWDO Staff.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso