Setyembre 7, 2021 | Emergency Meeting Pre-Disaster Risk Assessment on Typhoon “JOLINA”
Isinasagawa ngayon ang Pre-Disaster Risk Assesment bilang paghahanda sa pagpasok ng Bagyong Jolina sa lalawigan ng Quezon at maagang matugunan ang anumang maaaring maidudulot nito. Kasama sa mga tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga sumusunod:
1. Pre-Disaster Risk Assessment -Situation update
2. Activate Emergency Operation Center
3. Activate Incident Command System –ICS
4. Preparation of Administrative & Logistical Support
a. Budget and Finance
b. Supply and Asset Management
5. Other matters
Kasama sa kapulungan ang ating Disaster Risk Reduction and Emergency Response Team na binubuo ng ating MDRRMO, Rural Health Unit, PNP, BFP, Philippine Coast Guard, MSWDO, MEO, MPDO, Philippine Army at iba pang mga kinatawan ng ahensya.
Inirekomenda ng ating Punong Bayan na magkaroon ng suspension ng pasok bukas ang Lokal na Pamahalaan, mga pribadong tanggapan at mga eskwelahan.
Pinagdodobleng-ingat ang bawat mamamayan laban sa peligrong maaaring idulot ng bagyo gaya ng pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang pangyayari. Sinisiguro din ng ating Punong Bayan na handa ang ating mga evacuation centers at mga emergency supplies at ang nagbibigay paalaala sa bawat barangay at mga coastal areas at mga mababang lugar, na maging handa at alisto para sa kaligtasan ng bawat Realeño at iba pang mamamayan nasa sa Bayan ng Real.
Manatili lang pong nakaantabay para sa mga iba pang updates.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines