Sumailalim sa tatlong araw na masusing pagsasanay ang ating mga opisyal ng barangay na pinangasiwaan ng DILG Real sa pangunguna ni MLGOO Raya T. Rublico. Ang tatlong araw na pagsasanay ay ginanap sa Baguio City nitong nagdaang Marso 15-17, 2023 kung saan naging mga panauhing tagapagsanay dito sina Cluster Head/DILG-Quezon Cluster 2 Gerardo C. Gabin, Cluster Head/DILG-Quezon Cluster 1 Engr. Vilma B. De Torres, at Panukulan MLGOO Djanine M. Dacillo.
Ilan sa kanilang tinalakay ay ang Barangay Legislation, Orientation on SGLG for Barangay, Review on the process of GAD Planning and Budgeting, at Term-End Assessment; ang bawat barangay ay nag-present ng kanilang mga naging accomplishments sa mga taong 2018-2022; at binigyang pagkilala ang mga opisyal na nakapagtapos ng tatlong termino upang bigyan ng pagpapahalaga sa kanilang mahabang pagseserbisyo sa ating bayan.
Ito ay personal na dinaluhan ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino na nagbigay ng pasasalamat at inspirasyon sa mga dumalo, gayundin si Municipal Administrator Engr. Rainier V. Aquino.
#RealeñoProduktibo
#RealeñoDisiplinado
#GodblessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines