
TD PAENG | MDRRMC MEETING
Isinagawa ang ikalawang Pre-Disaster Risk Assessment sa pangunguna MDRRMC Chairperson-Mayor Bing Diestro-Aquino katuwang si MDRRMO OIC-Head Ricky A. Poblete. Ito ay bilang paghahanda pa rin sa pagpasok ng Bagyong Paeng sa ating bayan upang maagap na matugunan ang anumang maaaring maidudulot nito.
Pinag-usapan sa kapulungang ito ang mga nakasaad sa ibaba:
1. Pre-Disaster Risk Assessment -Situation Update
2. Activate Emergency Operations Center
3. Activate Incident Command System (ICS)
4. Preparation of Administrative & Logistical Support
a. Budget and Finance
b. Supply and Asset Management
Nakabuo ng dalawang grupo na nakatakdang magtungo sa mga barangay ngayong hapon upang umalalay na rin sa gagawing pre-emptive evacuation.
Kaugnay nito, patuloy pa ring pinaaalalahanan ang lahat na maging handa at alerto sa lahat ng oras sa anumang maaaring mangyari bunsod ng nasabing bagyo.
Sama-sama po nating ipanalangin ang kaligtasan ng bawat isa.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
#PaengQuezonUpdate