
TINGNAN | Patuloy ang pagsasagawa ng Calibrated Tourism Circuit Validation ng Department of Tourism (DOT) sa lalawigan ng Quezon
TINGNAN | Patuloy ang pagsasagawa ng Calibrated Tourism Circuit Validation ng Department of Tourism (DOT) sa lalawigan ng Quezon ngayong araw, Marso 24, bilang bahagi ng Green Corridor Initiative ng DOT Calabarzon sa pangunguna ni Regional Director Michael A. Palispis at pangangasiwa ni DOT 4A Division Chief Marites T. Castro, kasama rin ang Quezon Province Association of Travel and Tour Agencies (QUEPATTA), Tourism Organization of Quezon Province Philippines, Inc. (TOQPPI), Provincial and Municipal Tourism Officers at Tourism Promotion Board.
Layunin nitong unti-unting mapanumbalik ang sigla ng turismo sa gitna ng pandemya upang masiguro ang kahandaan at kalidad ng iba’t-ibang atraksiyon sa bayan ng Real at Infanta, Quezon.
Bahagi rin sa pangunahing layunin ng proyekto na mapanatili ang kaligtasan ng mga turista na bibisita sa lugar at masiguro na maipatupad ng maayos ang lahat ng minimum health standards at safety protocols alinsunod sa patnubay ng DOT at Department of Health.