Ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Bing Diestro-Aquino ay nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay ng Multi-Disciplinary Team patungkol sa Yakap Bayan Program sa pangangasiwa ng ating Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWDO Leo James M. Portales. Dito ay naimbitahan ang DSWD-IVA para sa Resource Speaker at pinaunlakan ni G. Brindon L. Malapo-Social Technology Head.
Matatandaang noong Mayo 12, 2021 ay lumagda ang ating Punong Bayan sa isang MOA para sa Yakap Bayan Program kasama si Regional Director Jun Castillo. Ang programang ito ay isang holistikong interbensyon Samahan ang mga Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) sa kanilang patuloy na pag-recover hanggang sa sila ay maibalik sa pamayanan bilang mga produktibong indibiduwal.
Sa papamamagitan ng mga pagsasanay na ganito ay patuloy na binibigyang kakayahan ang mga Service Providers upang mapabuti at maging angkop ang gagawing multi-dimensional approach sa kanila.
Ito ay dinaluhan ng ilang Punong Barangay at kanilang representative, academe, PNP, DILG, at iba pang sektor.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines