Sa pangunguna ng High Value Crops Development ng Department of Agriculture Region 4A, Philippine Coconut Authority at Office of the Provincial Agriculturist, katuwang ang Municipal Agriculture Office, ay isinagawa ang Training on Cacao Rehabilitation for Sustainable Production sa Brgy. Maragondon.
Dito ay nagkaroon ng pagsasanay sa pagpaparami at pangangalaga ng cacao batay sa panuntunan ng Good Agricultural Practices sa pangunguna ni Senior Science Research Specialist Dennis D.L. Bihis mula sa DA QARES-Lagalag, Tiaong, Quezon. Ipinaliwanag naman ni QARES Staff/Admin Aide IV Arnel Sabile ang patungkol sa grafting.
Nagbigay naman ng mensahe sina Senior Agriculturist Filomena R. Azogue, Kagawad Danilo Doloeras, Agricultural Technologist Faye Dunaway ng OPA, at Punong Barangay Rennessy O. Vergara.
Nakasama dito sina Agriculturist I Policarpio R. Aller Jr. mula sa DA RFI 4A Lipa, QARES Staff na sina Edgar De Luna at John Michael Alejandrino.
Ang gawaing ito ay sinuportahan ng ating Punong Bayan Bing Diestro-Aquino, Halig Punong Bayan Doyle Joel M. Diestro at Sangguniang Bayan Members.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines