Tropical Cyclone Bulletin No. 7

Ayon sa paunang ulat mula sa pag-asa, sa ating lalawigan muli ang sentro ng bagyo at sa inilabas na TROPICAL CYCLONE BULLETIN NO. 7 ngayong ika-11:00 ng gabi ng DOST-PAGASA, nasa Signal No.1 po ang Polillo Islands.
Ang lahat po ay pinapaalalahanan ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino na MAG-INGAT at MAGHANDA kaugnay ng paparating na Bagyong Paeng. Higit sa lahat sa mga nakatira malapit sa ilog na delikado sa pagbaha, baybaying dagat na delikado sa malakas na daluyong ng alon, at mga nakatira malapit sa bundok na delikado sa pagguho ng lupa.
Ang lahat ng mga mangingisda ay hindi na pinapayagang pumalaot sa karagatan, inaatasang itaas na ang mga bangka sa ligtas na lugar.
LUMIKAS PATUNGO SA MGA ITINALAGANG EVACUATION CENTERS KUNG KINAKAILANGAN.
Para sa agarang aksyon, mangyaring tumawag sa Municipal Action Center – 0999 929 4247.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

 

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 3 6 7 5 1
Users Today : 146
Users Yesterday : 86
Users This Month : 2524
Users This Year : 11022
Total Users : 36751
Views Today : 225
Views Yesterday : 192

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: