TUPAD & SPES PAYOUT

Sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE-Quezon) ay isinagawa ang TUPAD Payout o Tulong Pangkabuhayan sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers payout para sa 380 mga benepisyaryo mula sa ating bayan.
Pinangasiwaan ito ni DOLE Provincial Director Edwin T. Hernandez ksama ang mga TUPAD Coordinators mula sa Pamahalaang Panlalawigan na sina Angel B. Cuario, Marlon Lincoran at Mark Buzar. Kasama din ang tatlong DOLE Labor Employment Officer na sina Kim Pabelonia, Genecille Aguire at Ron Odnimer.
Kasabay nito, ipinamahagi rin ngayong araw ang kabuuang halaga na PhP 393,848 na inilaang pondo bilang counterpart ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa 100 benepisyaryong mga estudyante sa bayan ng Real na naka-kumpleto ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Naging katuwang sa gawaing ito ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Bing-Diestro Aquino kasama ang PESO Real sa pangunguna ni PESO Manager Ildefonso Cleofas Jr., at sinuportahan ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 2 2 8 6 8
Users Today : 141
Users Yesterday : 149
Users This Month : 3419
Users This Year : 22867
Total Users : 22868
Views Today : 243
Views Yesterday : 268

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: