Pinangasiwaan ito ni DOLE Provincial Director Edwin T. Hernandez ksama ang mga TUPAD Coordinators mula sa Pamahalaang Panlalawigan na sina Angel B. Cuario, Marlon Lincoran at Mark Buzar. Kasama din ang tatlong DOLE Labor Employment Officer na sina Kim Pabelonia, Genecille Aguire at Ron Odnimer.
Kasabay nito, ipinamahagi rin ngayong araw ang kabuuang halaga na PhP 393,848 na inilaang pondo bilang counterpart ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa 100 benepisyaryong mga estudyante sa bayan ng Real na naka-kumpleto ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Naging katuwang sa gawaing ito ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Bing-Diestro Aquino kasama ang PESO Real sa pangunguna ni PESO Manager Ildefonso Cleofas Jr., at sinuportahan ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro.