Skip to main content

Turn-over of Rapid Composter and Bio-Shredder

Isa ang ating bayan sa humigit-kumulang na sampung (10) munisipalidad na mapalad na napagkalooban ng Rapid Composter at Bio-Shredder na dumating ngayong araw. Ito ay dahil sa tuluy-tuloy na pagtupad at pagtugon ng ating bayan sa mga alituntunin na itinakda ng R.A. 9003. Ito ay mula Department of Environment and Natural Resources sa pangunguna ng Environmental Management Bureau Regional Office No. IV-A (CALABARZON).
Malugod itong tinanggap ng ating Punong Bayan Diana Abigial D. Aquino kasama sina Municipal Administrator Filomena M. Portales, MENRO Bryan E. Potestades at Environmental Management Specialist-I Anthony L. Empamano.
Ayon kay MENRO Bryan E. Potestades, malaking tulong ito dahil ang mga biodegradable waste ay mapoproseso na at makakagawa mula dito ng soil enhancer na magagamit sa mga farm.
Nobyembre 3, 2021
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Official Website of Municipality of Real
error: