
URGENT MEMORANDUM MULA KAY MAYOR BING DIESTRO-AQUINO
Basahin | URGENT MEMORANDUM MULA KAY MAYOR BING DIESTRO-AQUINO
PAGHAHANDA PARA SA POSIBLENG MAGING EPEKTO NG BINABANTAYANG BAGYONG “KARDING”
1. Bilang paghahanda sa binabantayang Bagyong Karding, ang mga miyembro ng BDRRMC sa pamamagitan ng mga Punong Barangay ay pinapayuhan na magsagawa ng maigting na pagpaplano at paghahanda kaugnay ng paparating na sama ng panahon gaya ng mga sumusunod:
A. Paganahin ang inyong BDRRM Operations Centers sa barangay at siguraduhin na may nakatalaga na grupo para sa komunikasyon na siyang makikipag-ugnayan sa ating Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga pangyayari sa inyong barangay 24/7;
B. Pulungin ang mga kasapi ng BDRRMCs patungkol sa mga pagtatasa at paghahanda na dapat isagawa;
C. Paghandain ang grupo na taga-responde na magbibigay ng agarang tulong kung kinakailangan at ihanda ang mga bagay na posibleng magamit sa pagresponde;
D. Seguraduhin na may nakareserba na mga pangunahing bagay at gamit gaya ng tubig, pagkain, gamot, flashlight atbp.;
E. Ihanda ang mga nakatalagang evacuation centers at magsagawa ng maagap na pagpapalikas kung kinakailangan lalo na sa mga lugar na mataas ang banta ng panganib gaya ng mga lugar malapit sa bundok na delikado sa pagguho ng lupa, ilog na delikado sa pagbaha at dagat na delikado sa daluyong ng malakas na alon; at
F. Ihanda ang mga bagay na posibleng magamit sa pagresponde o pagtugon sa agarang pangangailangan ng inyong mga ka-barangay.
2. Pinapaalalahanan ang mga miyembro ng BDRRMC na gawing tuloy-tuloy ang pagbibigay ng paalala at babala sa inyong mga ka-barangay sa pamamagitan ng iba’t-ibang kaparaanan gaya ng pagbabandilyo, pagpopost sa inyong opisyal na facebook account, pamamahagi ng mga nakasulat na pabatid, at iba pang mga paraan na makakapagpabatid sa inyong mga ka-barangay patungkol sa kalagayan ng bagyo.
3. Pagbawalan ang mga mangingisda na pumalaot sa karagatan habang nananatiling may banta sa kaligtasan at payuhang itaas ang kanilang mga bangkang pangisda sa lugar na ligtas sa daluyong ng alon.
4. Para mapanitili ang maayos at pagkakaugnay-ugnay ng ating mga hakbangin, ugaliin ang pagbibigay ng ulat tungkol sa sitwasyon sa inyong mga barangay, tumawag sa MUNICIPAL ACTION CENTER / MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE sa mga numerong (042) 331-1444 / 0999-9294247 at sa VHF Radio Frequency 145.400/150.000
——————————————————-
TROPICAL CYCLONE BULLETIN NO. 10 

Severe Tropical Storm #KardingPH (NORU)
Issued at 5:00 PM, 24 September 2022
Valid for broadcast until the next bulletin at 8:00 PM today.
“KARDING” INTENSIFIES FURTHER WHILE MOVING WEST SOUTHWESTWARD OVER THE PHILIPPINE SEA EAST OF AURORA
Location of Center (4:00 PM)
The center of Severe Tropical Storm KARDING was estimated based on all available data at 475 km East of Casiguran, Aurora or 520 km East of Baler, Aurora (15.6°N, 126.5°E)
Intensity
Maximum sustained winds of 110 km/h near the center, gustiness of up to 135 km/h, and central pressure of 985 hPa
Present Movement
West Southwestward at 25 km/h
Extent of Tropical Cyclone Winds
Strong to storm-force winds extend outwards up to 250 km from the center
TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) IN EFFECT
TCWS No.2
=>Warning lead time: 24 hours
=>Potential impacts of winds: Minor to moderate threat to life and property
Luzon
The southeastern portion of Isabela (Dinapigue, Jones, San Agustin, Echague, San Guillermo, San Mariano), the southeastern portion of Quirino (Nagtipunan, Maddela), the southeastern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda), the eastern portion of Nueva Ecija (Bongabon, Laur, Palayan City, General Tinio, Gabaldon, Pantabangan, Rizal), Aurora, the eastern portion of Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray), the eastern portion of Rizal (Rodriguez, City of Antipolo, Tanay), the eastern portion of Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti), the northern and central portion of Quezon (General Nakar, Pollilo Islands, Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan), the northwestern portion of Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot), and Camarines Norte
TCWS No.1
=>Warning lead time: 36 hours
=>Potential impacts of winds: Minimal to minor threat to life and property
Luzon
The southern portion of Cagayan (Peñablanca, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Tuao, Piat, Amulung, Rizal), the rest of Isabela, the rest of Quirino, the rest of Nueva Vizcaya, the southern portion of Apayao (Conner), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, the southern portion of Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos), Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, the rest of Nueva Ecija, the rest of Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, the rest of Laguna, the rest of Rizal, the rest of Quezon, Cavite, Batangas, the rest of Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Marinduque, the northwestern portion of Occidental Mindoro (Lubang Islands, Paluan, Abra de Ilog), and the northewestern portion of Oriental Mindoro (San Teodoro, Puerto Galera, City of Calapan, Baco)
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso