
MAGPAREHISTRO KA!
Inanunsyo kamakailan ng Commission on Elections (COMELEC) na magsisimula na ngayong ika-12 ng Disyembre hanggang ika-31 ng Enero ang Voter Registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Ayon sa COMELEC, bukas ang registration sa nabanggit na petsa simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon tuwing Lunes hanggang Sabado kabilang na ang holidays.
Bilang paalala at gabay sa publiko, inaanyayahan ang mga hindi pa rehistradong mamamayan na magpatala at magtungo sa tanggapan ng Election Officer o mga satellite registration sites upang makapagrehistro at makaboto sa susunod na taon.
Kabilang sa mga maaaring magrehistro ang mga first-time SK Election voters at regular voters, transfer of voter registration record, reactivation ng voting status, at kailangan ng correction/change of entries sa voter registration record. | via Comelec Region IV-A Calabarzon “Official”
#MagpaRehistroKa #COMELEC