Skip to main content

WALANG PASOK BUKAS, SETYEMBRE 26, 2022

WALANG PASOK BUKAS, SETYEMBRE 26, 2022
Bilang pagtalima sa PDRRMC Memorandum Circular na inilabas ng ating iginagalang na Gov. Doktora Helen Tan na may bilang na DHT-006 na inilabas ngayong araw, ang lahat ng pampribado at pampublikong paaralan at tanggapan ay idinideklarang walang pasok. Maliban na lamang sa mga tanggapang ang mandato ay nauukol sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at paghahanda at pagtugon sa sakuna.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Official Website of Municipality of Real
error: